OFW ka ba at nais mong yumaman at maging masaya? Sasagutin namin iyan

Friday, December 09, 2016


Ikaw ba ay isang Overseas Filipino Worker na nagbabakasyon sa Pilipinas? Ikaw ba ay:
  • Nais sumaya ang pananaw sa buhay?
  • Nais makapagsimulang mag-ipon para sa kinabukasan?
  • Nais na maging successful?
Paano ba maging Happy and Rich for good? Ito ang bibigyan namin ng sagot sa tulong ng mga key resource speakers na OFWs na nagsipag-tagumpay din sa kani-kanilang larangan sa OFW & SME Business Christmas Expo 2016.

Tampok sa seryeng ito sina Mr. Roderick Eduarte na pasimuno ng Eduarte Method of teaching, Mr. Von Ryan Reyes na may-ari ng King's Care Laundry, at si Ms. Mary Grace Hizon na author ng blog na Diary ni Gracia, isa sa mga kinikilala na mga blog ng mga OFWs.

Magkita-kita tayo sa Megatrade Hall 2 ng SM Megamall sa December 21, Miyerkules, alas-2 ng hapon. LIBRE PO ITO, makakabili pa kayo ng pasalubong sa inyong mga inaanak, o di kaya's makakuha kayo ng kasosyo niyo sa business. Higit sa lahat, may pa-raffle kami at maari kayo manalo ng iba't ibang premyo.

Ang OFW & SME Business Christmas Expo 2016 gaganapin kasabay ng 15th Anniversary ng Ex-Link Events. Para sa iba pang mga detalye, tumawag sa (02) 633-0153, 643-3887, i-text ang 0920-924-2532 o 0920-981-4376 or mag-email sa info@exlinkevents.com. Program subject to change without prior notice.

You Might Also Like

0 comments

Total Pageviews

Archives

Join the NB Community!